Gilas Pilipinas, muling nakalasap ng pagkatalo sa tune-up game sa Spain

Muling nakalasap ng pagkatalo ang Philippine National Men’s Basketball Team matapos itong durugin ng African Powerhouse Angola, 83-74, sa isang tune-up game sa San Sebastian, Spain.

Nadikitan pa ng hanggang limang puntos ng Gilas Pilipinas sa 4th quarter ang Angola na kampeon sa pitong FIBA Africa Championships at ranked 15th sa mundo.

Gumawa naman ng phenomenal performance si Naturalized NBA player Andray Blatche nang kumamada ng 33 points at sumikwat ng 17 rebounds.

Subalit maliban kay Blatche ay wala nang ibang Gilas player na naka-double figure sa naturang laro.

Speak Your Mind

*