Kontrol sa pinaka-malaking dam sa Iraq, nabawi na ng Kurdish Forces

Malapit nang mabalik ang isangdaang porsyentong kontrol ng Kurdish Forces sa pinaka-malaking dam o imbakan ng tubig ng bansa matapos nilang mapalayas ang Islamic State Fighters!

Walang-tigil na inatake ng Kurdish Forces ang mga militante sa tulong ng Estados Unidos na hindi rin nagpapigil sa paglulunsad ng airstrikes para magapi nila ang kalaban!

Sa ngayon ay isa-isa nang tinatanggal ng militar ang mga pampasabog at traps na ginamit ng mga militante sa palibot ng dam.

Asiyete ng Agosto nang angkinin ng Islamic State Fighters ang dam mula sa mga pamahalaan.

Speak Your Mind

*