Mahigt isandaang pasahero sa nagliyab na eroplano sa Puerto Rico, nailigtas

Nabalot ng takot at pangamba ang ilang pasahero at crew ng isang eroplano makaraang sumiklab ang apoy sa isa sa makina nito habang papalipad sa airport sa bansang Puerto Rico.

Nangyari ang insidente habang patungo sa runway ang Jetblue Airways Flight 704 para lumipad sa Luis Munoz Marin International Airport patungo ng John F. Kennedy International Airport sa New York City.

Sinasabing nang makita ng piloto na nasusunog ang isa sa makina ng eroplano ay agad na iniutos ang agarang paglikas sa may 186 na pasahero at anim na crew members sa pamamagitan ng pagtalon sa binuksang emergency slides.

Sinabi naman ni Gina Recine, tagapagsalita ng Jetblue Airline, wala namang nasaktan sa 186 pasahero at anim ng crew members na sakay ng nasunog na eroplano.

Speak Your Mind

*