Pagbigay babala sa publiko hinggil sa batas trapiko, isinasagawa narin ng LTO sa simbahan

Binigyang pagkakataon ng Archdiocese ng Urdaneta City ang Land Transportation Office o LTO na makapagbigay babala sa publiko hinggil sa paglabag sa batas trapiko.

Kinikilala ni Urdaneta City LTO Chief Danny Martinez na malaking tulong ito ng simbahan sa kanilang opisina.

Matapos ang misa ay binigyang oras ng simbahan ang LTO upang ipaliwanag sa taumbayan ang  Joint Administrative Order o JAO  hinggil sa pagtataas ng multa sa traffic violations.

Ani Martinez, malaking tulong rin sa publiko ang kanilang programa upang makaiwas ang mga ito sa paglabag sa batas trapiko at naliligtas sila sa anumang aksidente.

Speak Your Mind

*