Pagpuputol ng punong kahoy sa bahagi ng 5th District ng Pangasinan, nahahaluan na umano ng pulitika

Malinaw umanong nahahaluan ng pulitika ang road widening project ng Department of Public Works and Highway o DPWH sa kahabaan ng Manila North Road ng 5th District ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni dating Congressman Mark Cojuangco ng Ika-limang Distrito ng Pangasinan na una nang nagpahayag ng kanyang planong pagtakbo sa pagka-Gobernador ng lalawigan sa 2016 Eleksyon.

Matatandaan na mahigpit na tinutulan ng Sangguniang Panlalawigan o SP ang pagpuputol sa mga punong kahoy na matatamaan ng proyekto kahit na ito ay may permit na sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.

Iginiit ni Cojuangco na hindi pinakialaman ng probinsya ang mas maraming punong pinutol sa bahagi ng Mangatarem-Zambales Road, pero ng magkaroon ng proyekto sa bahagi ng 5th District ay agad itong tinutulan.

 

Speak Your Mind

*