Presyo at suplay ng mga basic commodities sa Pangasinan, matatag

Stable o nananatiling matatag ang presyo at suplay ng mga basic commodities sa lalawigan ng Pangasinan sa kabila ng sunod-sunod na pag-uulan.

Ito ang inihayag ni Department of Trade and Industry o DTI Provincial Director Peter Mangabat sa panayam ng sonshineradio.

Ayon kay Mangabat, walang dapat ipangamba ang publiko sa posibleng paggalaw ng presyo ng mga pangunahing bilihin dahil wala namang tumamang kalamidad sa lalawigan.

Nilinaw naman ni Mangabat na hindi trabaho ng DTI ang pagmo-monitor sa mga presyo ng bigas at iba pang agricultural product sa merkado dahil may ibang ahensyang nakatutok dito.

Speak Your Mind

*