KBP Pangasinan Chapter, kapartner sa Climate Change Mitigation Program ng Dagupan

Kinilala ang City Government ng Dagupan ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter bilang kapartner sa Climate Change Mitigation Program ng lungsod.

Kaugnay ito sa matagumpay na Oplan Broadcastreeing 2014 ng KBP Pangasinan Chapter na isinagawa ng Tondaligan Beach nitong Sabado, Agosto trenta na dinaluhan ng mahigit limang-daang indibidwal mula sa mga membro ng media at ibat-ibang ahensya ng gobyerno.

Sinabi ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na sa tulong ng KBP mas napapabilis ang information dissemination upang mahikayat ang lahat na magtanim.

Kasabay nito, hinimok ni Fernandez ang bawat pamilya na magtanim ng puno bilang paghahanda sa banta ang kalamidad.

Speak Your Mind

*