Mga buntis, patuloy na hinihikayat na manganak sa hospital

Patuloy na hinihikayat ng Provincial Health Office o PHO ang mga ina o buntis na sa mga hospital o birthting facility manganak.

Itoy kaugnay sa isinagawang Buntis Congress sa layuning maiwasan na tumaas ang bilang ng mga naitatalang maternal death dahil sa ibat-ibang komplikasyon.

Ayon kay PHO Officer Dra. Anna de Guzman, karaniwang dahilan ng pagkamatay ng ina sa panganganak ang kawalan ng dugo dahil sa pagkakaantala ng transportasyon mula bahay patungo sa mga hospital.

Sinabi pa ni De Guzman na marami sa pregnant mother ang kabilang sa high risk pregnancy kayat dapat itong bigyan ng pre-natal check-up, dental check-up, at laboratory check-up mula sa mga health expert.

Bukod dito, kailangan din umanong sumailalim ang mga buntis sa maternal health care lectures gaya ng birth planning, breast feeding, at responsible parenthood.

Speak Your Mind

*