Oplan Broadcastreeing 2014 ng KBP Pangasinan Chapter, dinaluhan ng mahigit limang-daang indibidwal

Mahigit limang-daang indibidwal ang nakiisa sa inilunsad na Oplan Broadcastreeing 2014 ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas o KBP Pangasinan Chapter sa Tondaligan Area, Dagupan City nitong sabado.

Nagpasalamat si KBP – Pangasinan Chapter Chairman Jay Mendoza sa lahat ng nakiisa at nagbigay suporta sa naganap na tree planting activity at clean-up drive.

Bukod sa mga miyembro ng media, nakiisa rin sa aktibidad ang ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng DENR, DILG, PNP, BFP, LTO, POSO, Comelec , Naval Reserved, Law Enforcers Riders Asso., Red Cross, D-A, CDRRMC, WMD at Employees Multi-Purpose Cooperative.

Gayundin ang Bonuan Gueset Barangay Council, University of Pangasinan, University of Luzon, Keeper’s Club International, Sonshine Philippines Movement, at City Government ng Dagupan.

Umaasa naman si Rhoderick Dawis ng DILG Dagupan na tuloy-tuloy ang nasabing aktibidad para sa pangangalaga sa kalikasan.

Samantala, maituturing namang isa sa paka-importanteng aktibidad para sa kalikasan ang isinagawang Oplan Broadcastreeing 2014 ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng pilipinas o KBP Pangasinan Chapter.

Ito ang inihayag ni Provincial Environment and Natural Resources Officer o PENRO Officer Wendy Co sa harap ng mga dumalo sa tree planting activity sa Tondalingan Beach Area.

Naniniwala umano si Co na kung isasailang-alang ng lahat ang kapakanan ng kalikasan ay maiibsan ang banta ng climate change

Dagdag pa ni Co na kung maipagpapatuloy ang pangangalaga sa kalikasan ay maiiwan itong legacy sa mga susunod na henerasyon.

 

Speak Your Mind

*