PDRRMC, wala pang naitalang casualty,.bayan ng Calasiao lubog sa baha

Wala pang naitatalang casualty ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council o PDRRMC sa lalawigan ng Pangasinan kasabay sa pananalasa ng bagyong Luis na nakataas ngayon sa signal number 2.

Ito ang kinumpirma ni PDRRMC spokesperson Avenix Arenas, mula sa kanilang bente-kuwatro oras na pagbabantay sa mga lowlying at mountainous areas na malimit tamaan ng mga pagbaha.

Sa panayam ng sonshineradio kay Arenas linggo ng gabi sinabi nito na apat na barangay sa bayan ng Calasiao ang naitalang lubog na sa tubig baha.

Samantala, nananatili namang passable ang mga pangunahing kalsada sa lalawigan sa kabila ng naranasang malalakas na buhos ng ulan, ganundin wala parin naman aniya silang naitatalang inilikas dala ng bagyong Luis.

Speak Your Mind

*