Supplemental feeding program ng Bugallon, may maganda nang resulta

Pinapalakas ngayon ng pamahalaang lokal ng bayan ng Bugallon, Pangasinan ang kanilang programang pangkalusugan sa mga bata sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Jumel Espino.

Apatnapu’t limang araw nang nagsasagawa ng milk feeding sa mga barangay ang mga kasapi ng Municipal Social Welfare and Development, Barangay Officials at mga Barangay Health Workers o BHW.

Sa ilalim ng nabanggit na programa ay pinapainum ang mga bata ng fresh milk kayat malaki na umano ang bilang ng mga batang bumalik na sa normal ang pangangatawan mula sa severe malnourished.

Kaugnay nito, sinabi ng Private Secretary ni Mayor Espino na ang pondo para sa nabanggit ng programa ay mula sa kaban ng bayan.

Samantala, sa susunod na mga linggo ay ikakasa na rin ng bugallon lgu ang supplemental feeding para pa rin sa mga bata.

Speak Your Mind

*