Bantay barangay, tulong hanapbuhay program ng PESO Pangasinan, isinagawa

Sapat na ang kaalaman ng ilang Pangasinense kung ano ang dapat nilang gawin kapag may pumasok na illegal recruiter sa kanilang barangay.

Ito ay bunga ng isinasagawang Bantay barangay, tulong hanapbuhay program ng Pangasinan Provincial Employment and Services (PESO) kung saan ang major components nito ay anti-illegal recruitment at human trafficking campaign.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, sa nabanggit na programa ay isinasailalim sa training ang mga miyembro ng Overseas Filipino Worker’s (OFW) sa isang barangay upang makatulong sa pagmamatyag sa mga illegal recruiters.

Gayunpaman ani Ferrer, mayroon pa ring na-e-engganyo ang mga illegal recruiters dahil sa tamis ng pananalita ng mga ito.

Speak Your Mind

*