Karagdagang income para sa 2014 Town Fiesta ng Dasol, inaasahan

Hindi lang kasiyahan kundi pati na rin pagpasok ng karagdagang income ng munisipyo sa Dasol ang mga inihandang aktibidad para sa 2014 Town Fiesta.

Sa panayam ng sonshine radio kay Mayor Noel Nacar ay sinabi nitong isang Linggo ang kanilang kapiyestahan, mag-uuumpisa sa Pebrero 15 hanggang 21. tampok sa Pebrero 17 ang Asin Festival.

Ilan sa mga aktibidad ay ang thanksgiving mass, pagpapasinaya ng arko sa boundary ng bayan ng Dasol at Infanta, at mayroon ding business forum. Sa nasabing forum ay ipapakita ng pamunuan ni Mayor Nacar kung ano ang mga investment at business na maaaring buksan sa bayan ng Dasol.

Speak Your Mind

*