Pagtaas ng inflation rate sa Pangasinan, sanhi umano ng mataas ng presyo ng pangunahing produkto

Tumaas ang inflation rate ng Pangasinan ngayong taon kumpara noong 2013.

Ito ang kinumpirma ni Philippine Statistics Authority (PSA) Provincial Director Dante Pescador sa panayam ng sonshine radio Dagupan.

Sinabi ni Pescador na sa kasalukuyan ay tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin kaya naapektuhan ang inflation rate.

Ipinaliwanag ng opisyal ng PSA na nitong Setyembre ay halos lahat ng presyo ng bilihin ay tumaas, lalo na ang presyo ng petroleum products at apektado ang sektor ng agrikultura sa pagdaan ng mga kalamidad.

Ang PSA ay nagmomonitor ng presyo ng mga prime commodities sa Pangasinan sa unang limang araw kada buwan at ito ay kanilang ipinapadala sa kanilang Central Office sa Manila para i-compute ang inflation rate.

Speak Your Mind

*