Fish cemetery ng BFAR-NIFTDC, hinahanap-hanap ng mga bisita

Talagang hinahanap-hanap ng mga bumibisita sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Integrated Fisheries and Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) sa lungsod ng Dagupan ang fish cemetery.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio kay Chief Dr. Westly Rosario ay sinabi niyang imbes na ang sadyang proyekto o programa ng kanilang mga bisita ang unang tinatanong, ay mas nauuna pang tanungin sa kaniya ang fish cemetery.

Naalala ni Dr. Rosario na nabuo niya ang fish cemetery dahil sa isang giant sperm whale na pinangalanan niyang Moby Dick, mula sa Malabon City sa Metro Manila noong Pebrero 1999. na ito ang kauna-unahang inilibing duon.

Kung dati ang luwang lamang ng fish cemetery ay 80 square meters, ngayon ay umaabot na sa 2,500 square meters at dalawampu’t lima na ang inilibing dito na whale, sea turtle at dolphins.

Speak Your Mind

*