Pag gaya sa Dagupan fish cemetery ng ibang lalawigan, pabor sa BFAR-NIFTDC

Pabor ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – National Integrated Fisheries and Technology Development Center (BFAR-NIFTDC) na mayroong gumaya sa kanilang fish cemetery.

Ayon kay BFAR-NIFTDC Chief Westly Rosario, mayroon na ring fish cemetery sa Palawan kung saan personal na niya itong nakita, habang ang sa Bicol naman ay nabasa niya sa dyaryo.

Makakatulong ang mga nabanggit na sementeryo upang hindi na ibiyahe ang mga matatagpuang patay na whale shark sa mga malalayong lugar.

Aniya, mahirap ang pag-ta-transport ng mga hayop mula sa malayong lugar na ililibing sa Dagupan Fish Cemetery dahil medyo malaki ang gastos.

Sinabi ni Dr. Rosario na malaking tulong ang fish cemetery upang tumaas ang level ng kaalaman kaugnay sa pagmamahal at conservation ng large aquatic animals.

Speak Your Mind

*