Decorp, nagpaalala sa nakaambang pagtaas sa singil sa kuryente

Asahan na umano ang pagtaas sa singil sa kuryente ng Dagupan Electric Corporation o Decorp Dagupan ngayong Pebrero dahil sa nakaambang power shortage sa buwan ng Abril hanggang Mayo.

Umaabot sa 73 sintabos ang dagdag singil sa generation rate sa kada kilowatt hour na konsumo ng publiko.

Ayon kay Atty. Randy Santillan, ang legal council ng Decorp na ang pagtaas ng singil ng kuryente ay dahil sa epekto ng madalas na outage o pagkaparalisa ng mga planta na nagsusuplay ng kuryente.

Batay sa record ng Decorp, posibleng maranasan ang pagtaas ng generation rate hanggang sa katapusan ng buwan ng Mayo bunsod ng mataas na demand ngunit mababa ang supply.

Pinayuhan naman ng Decorp ang mga electric consumers na magtipid sa pagkonsumo ng suplay ng kuryente.

Speak Your Mind

*