Hazardous wastes, matatagpuan din sa bahay – DENR Region 1

Maraming hazardous wastes na nasa ating bahay.

Ito ang sinabi ni Department of Environment and Natural Resources – Environmental Management Bureau (DENR-EMB) Region One Information Officer Venus Junio sa PIA-DENR Climate Change Advocacy Campaign Barangay Forum sa barangay Parian, San Fernando City, La Union.

Ayon kay Junio, ang pagkaka-alam lang kasi ng mga tao ay nabubulok at hindi nabubulok lamang ang kanilang mga nasa bahay.

Ngunit ito ang kanyang nilinaw dahil ang hazardous waste aniya ay hindi lang sa hospital o clinic matatagpuan kundi pati na rin sa bahay.

Ang mga hazardous wastes gaya ng baterya, bombilya, pintura ay matatagpuan sa kabahayan na ito ay maaaring makasira sa kapaligiran at kalusugan ng tao.

Speak Your Mind

*