Isang Bishop, muling nanawagan ng pagbibitiw ni PNoy

Muling iginiit ni Bishop Broderick Pabillo ang kanyang panawagan kay Pangulong Noynoy Aquino na magbitiw na sa pwesto matapos ang Mamasapano encounter.

Ayon kay Pabillo, dapat nang ikunsidera ng pangulo ang resignation  para sa kapakanan ng bansa at sa sambayanang Pilipino.

Aniya, kung sa tingin ng pangulo ay hindi na nito kayang pamunuan ng maayos ang bansa, ay marapat na itong bumaba sa pwesto.

Paliwanag pa ng Obispo, mas importante ang kaaayusan ng bansa kaysa sa tinatawag na political survival ni P-Noy matapos ang Mamasapano masaker.

Speak Your Mind

*