Militanteng ISIS, naitaboy na ng Kurdish Forces sa Iraq

Tuluyan nang naitaboy ng Kurdish Forces sa Iraq ang militanteng ISIS na naglunsad ng major assault sa dalawang bayan sa nasabing bansa.

Napanatili ng Kurds ang mga kontrol sa lugar matapos ang mahigit sa labing-dalawang oras na bakbakan.

Limang oras nang nagsimula ang engkuwentro, saka pa lamang nakapagsagawa ng airstrikes ang International Coalition.

Nahirapan ang mga fighter jets bunsod ng napakalapit na posisyon ng isis at kurdish fighters.

Bagama’t may mga nasawing kurds, marami rin naman umano ang napatay sa panig ng ISIS.

Ang bakbakan ay 45 kilometro lamang ang layo mula sa irbil, ang capital ng Kurdish Region, kung nasaan naka-setup ang bases ng tropa ng amerika na nagsasanay sa Iraqi Forces.

Speak Your Mind

*