Misis ng suspek sa Paris Terror Attack, sumanib sa ISIS

Naniniwala ang France na totoong umanib na nga sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang biyuda ng isa sa mga suspek sa Paris Terror Attack.

Ito ay matapos lumabas ang artikulo sa isang magazine umano ng mga terorista, na nasa ISIS na si Hayat Boumedienne.

Si Boumedienne ay ang maybahay ni Amedy Coulibaly na nang-hostage sa Jewish Supermarket sa Paris nitong nakaraang Disyembre.

Sinabi ni French Terrorism Expert Jean-Charles Brisard na ang magazine na naglabas ng interview kay Boumedienne ay waring offical publication ng ISIS.

Pinaniniwalaang matapos ang Paris Attack ay tumungo ng Turkey si Boumedienne bago dumiretso ng Syria.

Speak Your Mind

*