Suspensyon sa Joint Hearing ng Kongreso, ipinagtanggol ng liderato ng Kamara

Mina-manipula umano ng Administrasyong Aquino ang Congressional Inquiry para tuluyang ipagpaliban ang pagdinig sa  Mamasapano Massacre!

Ayon kay Navotas Representative Toby Tiangco, Interim President ng United Nationalist Alliance (UNA), malinaw umanong may kilaman ang Malakanyang sa pagpapaliban ng Kamara sa paghimay nito sa tunay na nangyari sa Mamasapano operation.

Naniniwala rin ito na bahagi ng suspensyon sa pagdinig ay para ilihis ang atensyon ng publiko sa insidente.

Nanindigan din si Tiangco na isang diversionary tactics ng administrasyon ang lumutang na nilulutong kudeta laban sa pangulo.

Ipinagtanggol naman ng liderato ng Kamara ang desisyon ng pansamantalang ipagpapaliban sa pagdinig nito sa Mamasapano Massacre.

Ito’y sa gitna ng akusasyong bahagi ito ng cover-up ng Malakanyang para hindi umano madiin sa isyu ang pangulo.

Muling iginiit ni House Speaker Feliciano Belmonte na kailangan nilang hintayin ang resulta ng imbestigasyon ng Board of Inquiry ng Pambansang Kapulisan bago muling ituloy ang pagsisiyasat sa insidente ng Kamara.

Nilinaw din nito na hindi lang siya ang nagdesisyon na ihinto muna ang pagdinig kundi mayorya ng mga mambabatas na bahagi ng komiteng nag-iimbestiga sa Mamasapano Massacre.

Itinanggi rin ni Belmonte na pini-pressure sila ng Malakanyang.

Speak Your Mind

*