Pedicab, bawal ng dumaan sa national highway ng Lingayen

Hindi na maaaring dumaan sa national highway ng bayan ng lingayen ang mga pedicab.

Ayon kay councilor maan meneses, sa bisa ng isang municipal ordinance, malaking tulong ang nabanggit na batas upang mabawasan ang pagsikip ng daloy ng trapiko lalo na sa poblacion area.

Kaugnay nito ay limang common terminal ng pedicab ang itinalaga ng lokal na pamahalaan.

Nakasaad rin sa ordinansa kung saan lang pwedeng magsakay at magbaba ng pasahero ang mga pedicab drivers, pati na rin ang ipapataw na multa kapag sila ay lumabag sa batas.

Magtutulungan naman ang pulisya at mga miyembro ng POSO sa pagpapatupad ng nabanggit na ordinansa.

Speak Your Mind

*