Resulta ng imbestigasyon sa Mamasapano Massacre, hihintayin ng Kamara bago ipagpatuloy ang pagbusisi sa BBL

Hihintayin pa ng AD HOC Committee on the Bangsamoro Basic Law ang resulta at magiging rekomendasyon ng House Panel na nag-iimbestiga sa Mamasapano Massacre.

Ayon sa Chairman ng komite na si Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, kailangan pa nilang hintayin ang resulta ng ginagawang imbestigasyon bago talakayin ang binubuong batas.

Dagdag pa ng kongresista, wala pang timeline ngayon ang Kamara sa pagdinig sa Mamasapano kaya hindi rin niya masabi kung kailan muling bubusisiin sa kanilang komite ang batas.

Pansamantalang ipinagpaliban ng Kamara ang deliberasyon sa BBL para bigyang daan ang imbestigasyon sa Mamasapano Massacre.

Speak Your Mind

*