Tatlumpot apat na pares sa San Manuel, sabay sabay na ikinasal sa Kasalang Bayan

Umaabot sa tatlumpot apat na pares ang nabiyayaan ng kasalang bayan sa San Manuel, Pangasinan ngayong buwan ng mga puso.

Ayon kay Munisipal Civil Registerial Officer Emilda Gordovez, taon taon isinasagawa ang kasalang bayan na inumpisahan pa noong 1998 sa layuning mabasbasan ang mga magkapareha na nagsasama ng hindi kasal.

Sinabi pa ni Gordovez na magandang pagkakataon ang naturang okasyon para mabigayan ang magkapareha ng magandang kasal, maging legal ang pagsasama at magabayan ang mag-asawa sa pagbuo ng masayang pamilya.

Sagot naman ng lokal na pamahalaan ng San Manuel ang lahat ng proseso sa kasal kabilang na ang pagpaparehistro, wedding ring at handaan.

Speak Your Mind

*