BIR, tutol sa mungkahing tax exemption sa mga pulis, sundalo atbp

Hindi sang-ayon ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mungkahing tax exemption sa mga pulis, sundalo at ordinaryong manggagawa.

Ayon kay BIR Commissioner Kim Henares, nasa isang daang bilyong pisong ang posibleng mawala sa kaban ng bayan kung bibigyan ng exemption ang mga ito.

Mungkahi pa nito, pag-aralan ang ipinapanukalang tax exemption lalo na ang posibleng maging ekpekto nito sa pamahalaan.

Sa ngayon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWS) at mga nanalo sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang tanging exempted sa pagbabayad ng buwis.

Speak Your Mind

*