DCWD, tiniyak na walang magiging water service interruption ngayong summer

Tiniyak ng Dagupan City Water District (DWCD) na walang magaganap na water service interruption sa mga susunod na araw, lalo na ngayon summer season.

Sa panayam ng sonshineradio kay Information Officer Jayson Estrada, sinabi nito na sa ngayon ay operational ang lahat ng pumping stations ng Dagupan City Water District.

Sakali man aniya makaranas ng kawalan ng suplay ng tubig ito ay dahil sa pagkakaroon ng power interruption, pero agad namang naibabalik dahil ang kanilang generator set ay otomatikong mag-ta-transfer mula normal power sa generator power.

Tiniyak ni Estrada na nasa kondisyonang kanilang generator sets kaya’t walang dapat na ikabahala ang mga publiko kapag nagkaroon ng biglaang pagkawala ng suplay ng kuryente.

Kasabay nito, siniguro naman nito na sapat rin ang suplay ng tubig mula sa DCWD para sa lahat ng kanilang kustomers.

Speak Your Mind

*