Deped, ipinagbawal ang mga epal na politiko sa graduation rites

Mahigpit na ipinagbabawal ng Deparment of Education o Deped Dagupan ang mga epal na politiko sa pagtatapos ng mga estudyante sa School Year 2014-2015.

Sinabi ni Deped Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, na hindi dapat imbitahan ang mga epal na politiko sa napakahalagang bahagi sa buhay ng isang estudyante ang graduation.

Aniya, posibleng magamit ng mga epal na politiko ang okasyon lalot malapit na ang halalan sa susunod na taon.

Una ng itinakda ng Deped na sa Marso 26 at 27 ang araw ng graduation ceremonies na may temang “Saktong Buhay: Sa de-Kalidad na Edukasyon Pinanday”.

Speak Your Mind

*