DepEd Pangasinan II, ipinanawagan na gawing simple ang graduation rites

Muling ipinag-utos ng pamunuan ng Department of Education (DepEd) na gawing simple lamang at makahulugan ang graduation rites ngayong taon.

Ayon kay Pangasinan II DepEd Division Superintendent Viraluz Raguindin, dapat laging isaalang-alang ang kahulugan ng graduation ceremonies subalit hindi ito dapat gawing marangya o magastos.

Sinabi ni Raguindin na layon nito na maiwasan ang sumbong o reklamo ng mga magulang na naniningil ang isang paaralan ng gastusin para sa graduation.

Iginiit pa ng DepEd na hindi mahalaga ang pagkakaroon ng bonggang kasuotan sa araw ng pagtatapos dahil ang mas importante ay ang makukuhang diploma.

Ang tema ng graduation ngayong taon ay “Saktong buhay: sa de-kalidad na edukasyon pinanday”.

Speak Your Mind

*