Fire incidents sa Pangasinan, tumaas.., kampanya kontra sunog, nagpapatuloy

Patuloy na nag-iikot sa mga eskwelahan at establisemyento ang Bureau of Fire Protection o BFP Pangasinan para sa isinasawaga nilang kampanya kontra sunog.

Ipinaliwanag ni Provincial Fire Marshall Chief Inspector Arthur Sawate, ang kahalagahan ng fire drill at tamang paggamit ng tubig sa pag-apula ng apoy, dahil hindi lahat ng sunog naaapula ang tubig kundi ito sa pamamagitan ng fire extinguisher.

Sinabi din ni Sawate na dapat magkaroon ng organized fire bridgade ang mga establisemyento na binubuo mismo ng kanilang mga empleyado at security guards upang sila ang unang rumisponde sa sunog habang wala pa ang mga bombero.

Samantalang, batay sa record ng BFP Pangasinan, umabot sa 186 na insidente ng sunog ang naitala nitong Enero hanggang Pebrero, mas mataas sa naitala noong nakaraang taon, sa parehong buwan na umabot lamang sa tatlumpu’t tatlo na fire incidents. From: dzrd newscenter

Speak Your Mind

*