Information at Awareness Campaign kontra sunog, palalakasin

Nanawagan ang kalikasan Green Party of the Philippines na palakasin ang Information and Awareness Campaign kaugnay sa pag-iingat sa sunog ngayong Marso na Fire Prevention Month.

Ito’y kasunod na rin ng sunud-sunod na sunog sa Kalakhang Maynila kung saan libu-libong pamilya ang nawalan ng tirahan, at may ilan pang nawalan ng mga mahal sa buhay.

Ayon kay Leon Dulce Spokesperson ng grupo na nakakaalarma na ang patuloy na pagkakaroon ng sunog na simula pa noong nakaraang buwan bago pa pumasok ang Fire Prevention Month kaugnay din sa pagpasok ng mainit na panahon na inaasahang magtatagal sa buwan pa ng mayo.

Batay sa datos ng Bureau of Fire Protection (BFP), umabot sa 615 kaso ng sunog ang kanilang naitala mula Enero hanggang Pebrero ng taong kasalukuyan, na tumupok sa milyun-milyong halaga ng mga ari-arian at kumitil ng buhay na ilan, na karamihan ay mga paslit.

Speak Your Mind

*