Kaalaman kontra sunog, ipina-alala ng BFP ngayong Fire Prevention Month

Nagpa-alala ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod ng Dagupan hinggil sa mga kaalaman upang iwas sunog.

Bahagi ito ng Fire Prevention Month Activity ng BFP ngayong Marso.

Sa panayam ng sonshine radio kay Senior Inspector Ferdinand Formacion, ang  fire marshall ng siyudad ay sinabi nitong  mahalaga ang pagpapahalaga ng kaligtasan at paghahanda ng bawat isa laban sa mapaminsalang sunog.

Una aniyang dapat gawin ay siguraduhing maayos ang linya ng kuryente sa tulong ng linsensyadong electrician o electrical engineer.

Payo rin ng BFP na alisin ang saksakan ng mga appliances lalo na kapag matutulog o aalis ng bahay.

Dagdag ni Formacion na isaradong mabuti ang tangke ng gasul at tiyaking nakasara ang regulator ng lutuan.

Gayundin, kinakailangan ding itago ang puspuro sa lugar na hindi abot ng mga bata.

Speak Your Mind

*