Kawalan ng sapat na kaalaman, dahilan ng mataas ng kaso ng sunog sa Dagupan

Malaking bintahi ang kawalan ng sapat na kaalaman sa mataas na kaso ng sunog na naitala sa lungsod ng Dagupan.

Ayon kay Senior Inspector Ferdinand Formacion, ang fire marshall ng siyudad, paulit-ulit nilang pinapaalala ang sapat na kaalaman at partisipasyon ng publiko upang maiwasan ang sunog.

Batay sa tala ng BFP Dagupan, tatlumpong kaso sa grass fire, apat na kaso ng sunog sa mga kabahayan at isang sunog sa sasakyan ang naitala sa buwan pa lamang ng Enero hanggang Pebrero.

Kaya ngayong selebrasyon ng Fire Prevention Month, hindi umano sila magsasawang magpaalala dahil naniniwala silang ang fire prevention ay nagsisimula sa bawat tahanan.

Speak Your Mind

*