Kris Aquino, dahilan daw ng paglipat ni Ai-Ai delas Alas sa ibang network

Itinuturo ng kumedyanteng si Ai-Ai delas Alas na ang Queen of All Media na si Kris Aquino ang dahilan bakit iiwan na niya ang Kapamilya Network.

Kahit nagkaayos na umano sina Kris at Ai Ai nang ikasal sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay hindi pa rin naman daw tuluyang naibalik ang friendship ng dalawa.

Mas pinili nalang daw na ni Ai Ai na umalis kaysa manatili sa Kapamilya Network dahil ayaw niyang mauwi pa sa ibang isyu ang mamagitan sa kanilang dalawa.

Aminado naman daw kasi si Ai Ai na pagdating sa Dos ay walang maaaring pumalit sa pagiging reyna ni Kris at kahit ano raw ang gawin niya ay hindi siya mabibigyan ng proyektong kasing gagaganda ng ginagawa ng presidential sister.

Kaugnay nito, kahit kalat na kalat na ang balitang paglipat niya sa ibang istasyon, ay tikom parin ang bibig ng komedyana hinggil sa isyu.

Speak Your Mind

*