LTO Dagupan, handang handa na sa pagpapatupad ng anti-drunk driving law

Handang-handa na ang Land Transportation Office o LTO Dagupan City na ipatupad ang Anti-Drunk Driving Law.

Ayon kay LTO Dagupan Chief Richard Agbayani, sasailalim na sa breath analyzer testing training ang mga deputized law enforcers ng ahensya para sa mahigpit na pagpapatupad ng nabanggit na batas.

Sa pamamagitan aniya ng breath analyzer test ay masusukat ang alcohol intake ng isang driver.

Kung nag-positibo ang driver sa maximum na alcohol intake ay sasailalim pa rin ito sa iba pang pagsusulit na ibibigay ng lto at kapag siya ay lumagpak ay kakasuhan na ito ng paglabag sa anti-drunk driving law.

Speak Your Mind

*