Malacanang, pinalagan ang alegasyong may pinagtatakpan sa Mamasapano Encounter Probe

Mariing pinabulaanan ng Malacanang ang umano’y sistematikong pagtatakip ng pamahalaan kaugnay sa imbetigasyon sa Mamasapano, Maguindanao Encounter.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Sonny Coloma, walang batayan ang nasabing paratang.

Iginiit ni Coloma na walang ibang ninanais ang pamahalaan kundi ang mabatid ang katotohanan.

Matatandaang inakusahan ng Integrated Bar of the Philippines at ng mga militanteng grupo ang administrasyong Aquino na nasa likod ng systematic cover-up kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon sa Mamasapano, Maguindanao encounter na ikinasawi ng apatnaput-apat na miyembro ng PNP-SAF.

Speak Your Mind

*