Marangyang venue sa graduation, hindi ini-rerekomenda ng Deped

Hindi inirerekomenda ng Department of Education o Deped Dagupan ang marangyang venue para pagdausan ng mga magsisipagtapos.

Ito ang binigyan diin ni Deped Dagupan School Division Superintendent Dr. Gloria Torres, kayat malinaw din umano na hindi pinapayagan ang pangungulekta ng graduation fees.

Sinabi pa ni Torres na dapat gawin lamang sa simple pero makabuluhang pagtatapos hindi lamang para sa mga mag-aaral kundi pati narin sa kanilang mga magulang.

Nilinaw din ni Torres na ang anumang gastusin sa graduation rites ay maaari na lamang i-charge sa School Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) sa ilalim ng 2015 deped budget.

Speak Your Mind

*