Meralco, nagpatupad ang bawas singil sa kuryente ngayong buwan

Isang magandang balita para sa mahigit apat na milyong kostumer ng Manila Electric Company (Meralco).

Iniulat ng Meralco na bababa ang singil sa kuryente sa buwang ito ng 95-sentimos kada kilowatt hour (kwh).

Sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour, aabutin sa 19-pesos ang ibaba sa kanilang electric bill habang 28.50-pesos naman na savings sa mga kumukunsumo ng 300 kwh.

Sinabi ng Meralco na ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bunsod na rin ng pagbaba ng generation, transmission at ibang charge

Subalit may babala ang kumpanya na posibleng tumaas naman ang singil ng kur­yente pagsapit ng buwan ng Abril hanggang Mayo.

Speak Your Mind

*