Mga drums na naglalaman ng abo ng mahigit 3,000 katao na biktima ng ebola virus sa Liberia, sinira na

Sinira na ang crematorium at inalis na rin ang mga drums na naglalaman ng abo ng mahigit tatlong libong katao na nadapuan ng ebola virus matapos makontrol ang nasabing nakamamatay na sakit.

Ang nasabing pagsira ay desisyon na rin ng gobyerno ng Liberia ng makalabas na sa pagamutan ang pinakahuling nadapuan ng nasabing sakit.

Mas pinili pa kasi sa Liberia na sunugin o i-cremate ang mga biktima ng ebola para hindi na ito makahawa pa.

Ang iba namang drum na naglalaman din ng abo ng mga biktima ng ebola ay ibabaon naman sa lupa.

Speak Your Mind

*