Mga food handlers, dapat magkaroon ng medical certificate ayon sa PHO

Pinapayuhan ng health expert ang mga nagtitinda ng halo-halo na kumuha ng health permit para masiguro ang kalinisan ng itinitinda.

Ayon kay Pangasinan Provincial Health Officer, Dr. Anna de Guzman, ngayong panahon ng tag-init ay usong-uso ang mga sakit na food poisoning, typhoid fever at diarrhea.

Sa tag-init ay mabili ang halo-halo kaya’t ang payo ni de Guzman sa mga nagtitinda ay siguruhing ligtas na kainin o malinis ang mga yelo na ginagamit.

Ipina-alala na rin ng Provincial Health Office sa mga Municipal Health Officers na kumuha ng medical certificate ang lahat ng food handlers sa kanilang sakop na lugar.

Speak Your Mind

*