North Korea, muling naghahanda ng test fire ng medium-range missile

Naghahanda umano ang North Korea sa pag-test fire ng medium-range missile upang ipakita ang galit sa joint military exercise ng Amerika at South Korea.

Ayon sa mga ulat, naka-deploy na sa missile bases sa hilaga ng Pyongyang ang mobile launchers para sa rodong missiles.

Sinabi naman ng South Korean Defense Ministry na kanila nang minomonitor ang sitwasyon sa North Korea.

Ang rodong missiles ay may range na 1,000 hanggang 1,500 kilometro.

Dalawang short-range missile ang pinakawalan ng North Korea kasabay ng pagsimula ng joint military drill.

Mahigpit na tinututulan ng North Korea ang military drill ng US at South Korea dahil pagsasanay daw ito sa pag-atake sa kanilang bansa.

Speak Your Mind

*