P1 pagtaas sa singil sa kuryente, ipinatupad ng Decorp

Inihayag ng Dagupan Electric Corporation o Decorp ang kanilang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong buwan ng Marso.
Umaabot sa .97 sintabo o piso ang dagdag singil sa generation rate sa kada kilowatt hour.

Ayon kay Atty. Randy Santillan, ang Legal Council ng Decorp na ang pagtaas ng singil ng kuryente ay sanhi sa pagtaas ng binibili nilang kuryente sa stock market.

Bunsod nito, nagbigay payo si Santilan sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente dahil kapag ganitong mainit ang panahon ay tumataas ng demand habang numinipis naman ang supply ng kuryente

Speak Your Mind

*