Pangbibigay ng Tax Exemption kay Pacquiao, tinutulan ni Sen. Ejercito

Hindi sang-ayon si Senador JV Ejercito na bigyan ng tax exemption si 8-division world Champion at Sarangani Representative Manny “Pacman” Pacquiao sa nalalapit na laban nito kay Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ni Ejercito, isa si Pacquiao sa pinakamayamang mambabatas sa kongreso kaya’t walang dahilan para hindi ito magbayad ng buwis.

Paliwanag pa ni Ejercito, kayang-kaya ni Pacquiao na magbayad ng buwis kaya wala itong dapat panghinayangan dahil sa kaban ng bayan din mapupunta ang buwis nito.

Giit pa ni Ejercito, alam ni Pacquiao ang kanyang obligasyon bilang isang mambabatas na dapat magbayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue (BIR).

Speak Your Mind

*