Screening para sa “Ang Limgas na Pangasinan 2015”, kasado na

Kasado na ang pinaka-malaking patimpalak ng kagandahan sa buong lalawigan, ang Limgas na Pangasinan 2015.

Itinakda ang screening para sa patimpalak sa sabado, Marso a siyete sa Urdaneta District Hospital sa lungsod ng Urdaneta, habang, sa Marso a-otso ay magaganap ang screening sa Conference Hall ng Malong Building sa bayan ng Lingayen.

Itinakda ang screening, ala una hanggang alas singko ng hapon.

Ang kwalipikasyon ng maaring makilahok sa Limgas ng Pangasinan ay single, 16 hanggang 23 years old, may taas na 5’4, bihasang magsalita at iba pa.

Ang naatasang mamuno ng Limgas na Pangasinan search ngayong taon ay si Assistant Provincial Health Officer Dr. Jeremy Rosario.

Speak Your Mind

*