Sharon Cuneta, muling mapapanood sa mga show ng kapamilya network

Tinuldukan na ni Megastar Sharon Cuneta ang mga espekulasyon hinggil sa kanyang pagbabalik-showbiz matapos muling pumirma ng per program contract sa kapamilya netwok.

Emosyonal na sinabi ng singer-actress na na-miss niya ang istasyon at ipinagdasal din niya ang pagbabalik sa network na naging tahanan niya sa loob ng 23 taon.

Ikinuwento ni Sharon na dahil lang sa maliit na tampo na pinalaki raw ng ibang tao kaya siya napilitang lumipat ng ibang TV network.

Aniya, may kasalanan din siya kung bakit lumaki ang isyu niya dahil nagtiwala siya sa taong mali ang ipinarating sa tv management at ipinararating din sa kanya.

Kapansin pansin naman ang pagpayat ng aktres na aniya’y mahigit 40 pounds na ang nabawas sa kanyang timbang at plano niyang ipagpatuloy ito.

Bilang unang proyekto, mapapabilang si Sharon sa mga hurado sa reality celebrity show na “Your Face Sounds Familiar” kasama sina Gary Valenciano at Jed Madela.

Speak Your Mind

*