Tax exemption sa mga pulis, sundalo atbp, suportado ng ilang mambabatas

Suportado ng ilang mambabatas ang mungkahing bigyan ng tax exemption ang mga pulis, sundalo at ordinaryong manggagawa.

Ayon kay Akbayan Representative Barry Gutierrez, sang-ayon sila sa panukalang tax exemption sa mga manggagawa lalo na sa mga ibinubuwis ang kanilang buhay sa trabaho.

Magugunitang, iminungkahi ang pagkakaloob ng tax exemption sa mga pulis, sundalo at sa mga ordinaryong manggagawa kasunod ng hirit na i-exempt sa pagbabayag ng buwis si Sarangani Representative Manny “Pacman” Pacquiao.

Nauna ng iginiit sa sonshine radio ni AFP Spokesperson Colonel Restituto Padilla Jr. na suportado nila ang panukalang tax exemption lalo na kung makakatulong ito sa mga sundalo.

Speak Your Mind

*