Tulong sa Vanuatu, siniguro ng International Community

Siniguro ng International Community ang tulong para sa Vanuatu matapos ang pananalasa ng category five na Tropical Cyclone Pam sa bansa na nagdulot ng matinding pinsala.

Kabilang sa mga nagpahayag na ng tulong ang European Union, Gran Britanya, Australia at New Zealand.

Sinabi ni Save the Children’s Vanuatu director Tom Skirrow na ang logistical challenges ay mas malala pa kaysa Super Typhoon Haiyan O Yolanda, na nanalasa sa Pilipinas noong Nobyembre 2013, na pumatay ng mahigit 7,350.

Ayon naman kay Vanuatu President Baldwin Lonsdale na posibleng matagalan pa bago makarekober ang kanilang bansa at bumalik sa normal ang pamumuhay ng mga tao.

Ihinayag naman ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs na ang cyclone, na may maximum category five nang ito ay tumama, ay nakaapekto rin sa iba pang mga bansa sa South Pacific.

Speak Your Mind

*