AFP pabor sa paggawa ng Infomercial hinggil sa pambubully ng China sa Pilipinas!

Sang-ayon ang sandatahang lakas ng Pilipinas sa panukala ni Senador Chiz Escudero na gumawa ng Infomercial hinggil sa ginagawang pambubully at Reclamation Activities ng China sa teritoryo na sakop ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

Ayon kay AFP Spokesperson Bgen Joselito kakilala, maganda ang mungkahi ng Senador upang maipabatid sa buong mundo ang mga iligal na ginagawa ng China tulad ng pag-angkin ng teritoryo at pagsira sa yamang dagat ng Pilipinas.

Dagdag pa ni kakilala, ang Department of Foreign Affairs (DFA) ang dapat manguna sa naturang panukalang proyekto.

Batay sa pag-aaral ng pamahalaan, umaabot na sa 100 Milyong Dolyar ang nawawala sa Pilipinas buhat nang pasimulan ng China ang kanilang Reclamation Activities sa West Philippine Sea.

Speak Your Mind

*