AFP, pinatatahimik ni Sen. Escudero sa usapin sa West Philippine Sea

Dapat nang busalan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang bibig para tumigil na sa pagbibigay ng anumang pahayag ukol sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.

Ayon kay Senador Francis ‘Chiz Escudero, tumataas ang tensyon kapag militar ang nagsasalita ukol sa walang patid na reclamation ng China sa mga pinag-aagawang isla.

Iginiit ni Escudero na foreign at diplomatic issues ang pinag-uusapan kaya marapat lamang na gamitin ng pamahalaan ang lahat ng legal at diplomatikong pamamaraan.

Makabubuti rin anyang mag-back channel upang maiparating ng Pilipinas sa China ang pagtutol sa mga aktibidad nito sa West Philippine Sea.

Una rito, iminungkahi ni Escudero ang pagpapatawag sa National Security Council pero tinanggihan ito ni Pangulong Noynoy Aquino.

Sa kabila nito, pabor naman ang senador sa planong pag-apela ng tulong ni Pnoy sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa naturang isyu.

Speak Your Mind

*