Breakup kay Maja Salvador, kinumpirma ni Gerald Anderson

Kinumpirma na ng actor na si Gerald Anderson ang hiwalayan nila ng actress na si Maja Salvador.

Ayon kay Anderson, binibigyan muna nila ng “break” ang isa’t isa.

Aminado naman ang actor na hindi madali ang pinagdadaanan nila ni Salvador subalit iginiit nito na “good terms” sila ng actress.

Humihingi din ng privacy, pagrespeto at pag-unawa si Anderson hinggil sa breakup nila ng dating kasintahan.

Samantala, umiwas si Gerald nang tanungin kung ang oras para sa isa’t isa ang dahilan ng “break” nila ni Maja sa kanilang relasyon. `

Speak Your Mind

*